Thursday, December 16, 2010

UNTITLED.

















'Gusto ko sanang sabihin na I Love You, pero wala pa akong lakas ng loob gawin yun.'


Bakit may torpe? Bat kaya ang hirap hirap nga gawin nito? 3words, 3syllables, 8letters.
Ang lakas ng loob mo sabihin sa kanya ang ILY, yun e kung hindi ka nia kasama o hindi ka nia ma/naririnig. Anak ng goldfish naman o!
Kinakabahan ka siguro, natatakot sa sasabihin din nia pag sinabi mo yun sa harap nia, o baka hindi ka lang sanay sabihin ang magic 3words na to. Hindi sa hindi ka loved o you don't know how to love. sadya lang talaga na awkward sayo pare/mare ang mga gantong sitwasyon. at the end of the day, action speaks louder than words. pero syempre mas ok din naman sana kung action+words. mas nakakakilig yun. maski once a year lang, pwede na. :))

okay na to. tapusin ko na.
oy miss, para sayo tong blog ko. sana mabasa mo mga minsan. namimiss na kita e. magtxt ka man lang. 'soma, miss you!'- ok na to. kikiligin na ko. pramis. mag rereply naman ako e.

I LOVE YOU TOO! haha. lakas tama. :]

Saturday, December 4, 2010


“Kawawa ka naman at single ka ngayong Pasko. Ilang taon ka ng ganyan. Ka-date mo na naman ang Nanay mo at bibili na lang ng Christmas card at susulatan ko na lang ito ng Merry Christmas Happy New Year to me..”

Hindi ko alam kung maaawa ako kay empoy o matatawa lang e. Maski tumutulo na luha nia. Natatawa pa rin ako. HAHAHAA!
Ang galing din pala nung mga choir na halatang naglilip sync lang. :))


kiniligsitotoyshettanggalayan!













friday night. nakaupo kami sa isang bench. past12am na. malamig, umuulan, medyo madilim, may ilaw mula sa meralco posts (yung kulay yello-orange na ilaw).

AKO: buti pa si toooooot, may kotse no?

SYA: bat naman?

AKO: gusto ko din kase magka kotse e (para naihahatid kita)

SYA: e ano naman, may girlfriend ba sya? :XD

Boom! Lord, thank you for sending this girl to me. :]

Saturday, November 27, 2010

HP SEVEN ELEVEN
















THESE ARE DARK TIMES, THERE IS NO DENYING IT.

YOU HAVE NOTHING TO FEAR, IF YOU'VE NOTHING TO HIDE.


Nag undertime pa ko para mahabol yung 4:50pm screening, good thing umabot kami. So far, dito sa HP sequel na to ko nagandahan/nagalingan at nasulit ang bayad sa ticket. Dati, HP Goblet of Fire ang pinaka okay sakin (2005) e, pero parang nalampasan sya sa galing ng pagkakagawa ng Deathly Hallows.
Kung nagbabasa ka ng HP books, medyo may mga part na ikakalito mo (ha? meron ba nian sa book? sang banda???), pero kung tamad kang magbasa at naghihintay ka lang na lumabas yung movie, wala kang magiging problema. Pero all in all, naging loyal pa din yung movie sa book kahit pano. Minimal deviations lang yung napansin ko na nagawa dito compared from the previous ones.
Eg: 1. wala sa book yung huhuhu-dramatic exit ni hermione dun sa bahay nila, na iniwan nia yung parents nia (obleviate spell), pero sa tingin ko okay na dinagdag yun sa simula nung movie, 2. dapat mamatay yung isa sa weasley twin e, pero masive ear injury lang nangyari sa kanya sa movie, 3. etc (no to spoiler. LOL!)

Ibang-iba ang HP7 from the rest of HP installments. WALANG HOGWARTS. WALANG QUIDDITCH. WALA DIN PROF. DUMBLEDORE( SYEMPRE!). wala din sila McGonagall and the co.

Sa special effects, wala na ko maki-criticize dun. panaloooo! lahat ng fight scenes, ang huhusay!
Yung story ng deathly hallows, it was well justified/said. Suddenly, nagkaron ng short animation sa HP, first time to.

Almsot 2.5hrs din yung movie, (5hrs sa tulad ko na inulit) hindi ako inantok. kung may ADHD ka, mawawala yun temporarily. haha! tama lang. tamang nag end ang part1 sa shell cottage. ang galing nun! mas pina excite nila yung mga nanonood sa part2 next year.

CAUTION: ihi ka muna bago pumasok sa loob, unless gusto mo gumaya sakin: umihi sa loob. HAHAHAA! :D

Come to daddy!

Come to daddy!

a link from multiply. :D