Monday, January 31, 2011





















Mag iisang taon na tayo.
Mahirap nung una, ilang beses mo din pinatulo ang luha ko.
Medyo may ilangan at pag minsan pa nga e naiirita ako sayo, syempre hindi pa tayo sanay kung pano mag adjust sa isa’t-isa.
Salamat at andyan ka pa din at hindi mo ko iniwan.
Maski kung minsan e nalilimutan kong kasama nga pala kita.
Hindi ko malilimutan kung pano mo binago ang buhay ko.
Tinunlungan mo kong mas makita ng malinaw at maayos ang mga bagay bagay.
Sana magtagal pa tayo.
Pero ngayung wala ka sa piling ko, mahirap pala.
Hindi ako sanay ng ganito. Feeling ko, ang lalabo lahat ng mga kausap ko.
Namimiss na kita. Sana magkasama na ulit tayo. Bumalik ka na sakin.

Wednesday, January 26, 2011

ayhay. umayos ka ha. baka d kita matantya!



LORD, SANA PO WALA NG DOCTOR NA:

*Lame (na madagdagan lang ng 2patients ang nakapila sa kanya e parang ang laking abala sa kanya [eg: 5pts+2more patients= usok na pwet])
*Adik na maniac pa (eheeee, alam naaaa!)
*Cruel (ginagawang homily-han ang clinic sa dami ng seremonya sa nurses)
*Epal (sya na ginagawan ng pabor, tas kala nia sya pa ang naabala. putek kang hinayupak ka!)
*Rude to the infinite power (kuko at buhok lang nia ang walang halong kayabangan)
*Nuknukan ng kaarte-han (yung masmadami pang oras ang napunta sa pagdadada kesa sa pagasikaso sa patient)
*Ahhhhhh. this goes to you doctor *******!

-AMEN.


PS: photo credit given to this link-
http://passion-hope.deviantart.com/art/doctor-house-188494734

Friday, January 21, 2011

GRATITUDE.















4months din yun. hindi birong pakikisama at pag bigay respeto sa taong hindi naman masyadong dapat mabigyan nito. pero sabi nga ng nanay at tatay ko, 'anak, igalang mo pa din sila kahit sila na ang mali, nagsisimula ka pa lang e.' at sinunod ko naman ito. ang sakin lang naman sana e, mabigyan man lang ng recognition yung pinapagpaguran ko/namin.

encoder.
support staff.
popwerpoint slide's creator.
consultant.
IT staff.
researcher.
educator.
dancer.
videographer.
editor.
nurse.
facilitator.
errand boy.
listener.
taga tawa sa joke mo.

TALO PA NAMIN YATA ANG iPhone4 KUNG MAG MULTITASK E.


NAGPA SALAMAT KA MAN LANG SANA.
OKAY NA SAKIN ANG NAABUSO KAMI/AKO E.
KUNG NAGPASALAMAT KA MAN LANG SANA! :l

Wednesday, January 19, 2011

salamat kaya marielli 'yeye' ragudo.
isang henyong bata na lumikha ng college (collage) na to.
:)


Click to play this Smilebox collage
Create your own collage - Powered by Smilebox
A free digital collage by Smilebox

Saturday, January 15, 2011

ochos las ninas.


GUYS, MEET THE GIRLS OF MY LIFE AND THE ONLY GIRL OF MY LIFE. :)

CATHERINE HONTIVEROS. pinsan ko, na napakabait sakin. tutulungan daw nia ko makapunta din sa states. yeyyy! mahihiya sa kanya dumikit ang mga wrinkles. nurse sa states (NY), pamangkin ni mama na hinahangaan ko dahil sa kanyang katapangan at excellent parenthood.

JOAN TUTOR. sa lahat, sya ang pinaka malabong kausap, very rare na makausap sya ng matino. pero salamat din sa kanya, naging tulay sya para maisakatuparan ko ang aking matagal ng plinanong (planned) misyon.

KRISTINE AVILLO. kaklase ko simula 1styr college hanggang 4thyr. instant bespren ko yata to sa internet dahil no choice sya kundi sakin magsabi ng mga heartaches nia. hihi. nasa vietnam sya ngayun, nagawa ng pera.

NARCISA LEONIDAS. syempre, wala ng hihigit pa sa (gatas ng ina) pagmamahal ng isang ina, lalo na pag galing sa kanya. si mama, sya ang leader ng mga supporters ko. mahal na mahal ko to. :D

ZEPHRA LAGOS. sya na!

MARIELLI RAGUDO. instant pinsan ko, si yeye. 3years ko na syang kaibigan. tulad ng mommy nia, isa din sya sa naging napaka powerful kong backer para makuha ang puso ng babaeng iniirog ko.

MYBEL RAGUDO. nito lang kami nagkakilala ni tita, pero parang magkakilala na kami ng matagal. sya pa lang ang kilala kong tita na parang teenager lang din. kung may luslos (hernia) ako, sya ang supporter ko. :)))
PS: napaka husay mag luto ni tita.

MARICAR ARNISTO. teacher ko nung college, hindi sya naging mabuti sakin nung una, pero sya nagturo sakin kung pano maging mahusay at vigilant na nurse.

Friday, January 14, 2011

bitin.




















kiwi? isip ka kung bakit ito picture ng blog ko.
wala naman tong blog na to. nakaka bitin lang.
kala ko, sasabihan mo man lang ako ng 'uy, lam mo ba na miss kita.'
nagkita nga tayo, nagmamadali ka naman.
pero intindi ko naman, minsan din lang naman kayo magkita ng bandmates mo e.
tsaka, lam ko importante sayo makapag praktis.
pero dba minsan lang din naman tayo magkita? poooofff!

tsk, ok na to. antok na ko.
sori ha.
masasanay din ako.

i love you.


Wednesday, January 12, 2011

rawrrrr.













mas mahal pala ng dos yung donut sa dunkindonut kesa sa misterdonut.

ayossss lang, masarap naman.

pero mas masarap ka! HAHAHA. :)

Friday, January 7, 2011








Ako si rafael leonidas, at ito ang cheeesy weather forecast ko.
Kaya pala hindi ko niligawan si ***** nung college kami,
kase destined na magiging gerlpren ko sya ngayun pa lang.
At masaya ako ngayun, it's worth the wait.
Maski ligaw na ligaw na ko sa kanya noon pa.
'tamang tingin na lang muna, tiis tiis lang paeng. dadating tayo dyan!', sabi ko dati.

goodnight! :D

Wednesday, January 5, 2011


AKO NAMAN MUNA.

Inaantok na ko, past 12am na.

Malamig, umuulan at ako na lang ang gising

Gusto ko ng matulog, gusto ko ng pumikit, ayoko ng mag isip

Pero teka, tapusin ko lang to


Blog para sayo, sayo lang.

Ngayong gabi, medyo LQ yata tayo

Pero wag ka mag alala, wala na yun sakin

Di naman kita inaaway e, di ko yun kaya gawin sayo


Nagtatampo lang.

Gusto ko lang naman magpapansin

Ayokong isipin na *tooooot* lang ako sayo

Hindi kita inu-obliga na lagi mo kong unahin


Ok na sakin mga minsan lang

Nahihiya naman ako mag request sayo

Alam ko marami ka commitments

Hiling ko lang, na sana ako naman muna.