.
Parang wala kang pinag aralan…
Nasasanay tayo sabihin to sa mga taong hindi natin nagugustuhan yung pinapakita o ginagawa sa public-yung tipong pang barbaric ang asta. Pero kung iisipin, pag minsan nga mas okay pa yung ugali ng mga taong walang bachelor o hindi nakapag aral ng hanggang college o graduate school pa kesa dun sa mga taong kilala natin. Ang behavior kase ng isang tao hindi naman talaga LAHAT galing sa school e, yung iba galling din kung san tayo lumaki tsaka kung sino nag palaki satin.
Ako, bagong nurse lang ako halos isang taon. Nakakadismasya lang na makikita mo na nasasayang lang yung mga MSN/MAN sa dulo ng mga pangalan nila, sayang kase hindi nagagamit ng tama. Hindi naman lahat, pero halos lahat e. Sayang lang, sila kase sana yung tinitingnan namin, kase sila yung matagal na sa propesyong ito. Wala din pala.
Daming ngang pinagaralan, walang namang natutunan.
Nakakalungkot na nakikita mo kung gaano kadali ma-manipualate ng isang senior staff ang evaluation ng mga junior staff dahil lang ayaw nya sa mga bagong staff na to. Nakakawasak lang ng puso na ganun nya kabilis nagawa yun.