July 15, 2011/ Byernes, pinilit kong lumuwas para mapanood ito sa imax. Kasama ang isang kaibigan, sabi ko pag kase inantay pa namin ang weekend ay malabong makakuha pa kami ng ticket kase uso ang sold out pag sabado at linggo.
Swerte! Hindi masyadong traffic taposs pagdating sa MOA, marami pang bakanteng upuan. Bili ng ticket agad tas kain muna ng madami. 1:30pm pa naman ang simula.
Hanap ng magandang view, seat back&relax. Simula pa lang ng HP7.2 ay climax agad, walang ng intro pa. Dahil na din kase ito ay kadugsong lang ng HP7.1
Galit-galit muna. Napa- woooooow talaga ako e. Pakiramdam mo, kasali ka din sa labanan. Ang lakasss maka 3D ng imax e. Tsaka mapapaisip ka habang pinapanood mo to.
Parang kelan lang, musmos ka pa nung binabasa mo ang mga libro ni Rowling tapos ngayon ay nasa harap ka ng malakaing screen at tinatapos ang huling part ng libro.
Parang kelan lang, musmos ka pa nung binabasa mo ang mga libro ni Rowling tapos ngayon ay nasa harap ka ng malakaing screen at tinatapos ang huling part ng libro.
Bato na lang ang hindi man lang mapaluha dito, yung nakausap ni Harry yung mga taong malapit sa puso nia nung makuha na nia yung Resurrection Stone. Tengene! Tulo luha ko e. Hindi naman hagulgol, napaluha lang.
Maalala mo din bigla yung mga taong hindi ka iniiwan sa kahit anong laban sa tunay na buhay.
Paksss! Korneeee, pero totoo.
Paksss! Korneeee, pero totoo.
Isa pa to.
Tsaka ito pa pala.
Medyo nakakalungkot, kase tapos na. Wala ng kasunod, mga ala-ala na lang ng libro.
Maraming moral na makukuha sa kwento e, isa lang yung tumatak talaga sakin:
KUNG ANG LAHAT LANG SANA SATIN NGAYON AY HINDI TUTULAD KAY VOLDEMORT NA NAPASOBRA YATA SA TAKAW AT MAPANG ABUSO SA KAPANGYARIHAN, MAGIGING MASAYA ANG LAHAT.
HP7.2, galing! Perfect 10 score ko sayo. Ang linis ng pagkakagawa ng ending.
No comments:
Post a Comment