Friday, August 14, 2009

the septuplets and the 12 students +1 CI

to follow na lang yung mag pictures.
wednesday morning, August 12, 2009. 10am kami umalis sa school papunta sa lopez quezon para magduty sa district hospital dun (magsaysay hospital). oncall ang duty namin, round the clock ang pag duty- kung may manganganak, kukunin namin o kaya pag may ooperahan.
almost 2hours travel from lucena.
pahinga ng konte, tas nagsuot na ng scub suit. fight!
ayus naman lahat: NICU (neonatal intensive care unit), handle at assist. 7pm yata nun ng may dumating na buntis. napansin ko, medyo malaki yung tyan nia. lumabas muna yung iba samin (kasama ako) para mag give way sa wala pang handle at assist sa DR (delivery room).
tik tak tok tik tako tok. ilang minuto ang dumaan, tinawag kami ng isa sa mga kagrupo namin. pumunta daw kami sa loob sabi ni ma'am, may nanganak daw na 5. tumakbo kami lahat papasok.
tapos, nakita namin na may 5baby na sa nakahiga sa NICU room, nililinis nung iba kong classmates, tapos biglang may isa pang nakuhang baby at may isa pa ulit. bale naging 7 na sila. 5months baby; premature, grasping for their breath. tsk. nakaka awa tingnan. binaptize na lang namin to guide them on their way:(

ang kwento.
may contraceptives pala na ginagamit yung pasyente, tapos nung na expire na uminom naman sya ng pills. tas, bigla na lang daw sya hindi nagkaron ng menstraution na nagtagal ng 3-5mos. nagtaka na sila. yun pala, na buntis na sya at may multifetal pregnancy pala sya. kaya yun, naging 7 yung baby na nabuo sa kanya. kelangan ng mapalabas yung septuplets kase delikado yung nanay pag pinatagal pa sa loob bg tyan nia. no choice but to sacrifice the 7lives.

septuplets- one of 7 born together: one of seven people or animals born to the same mother at one time.

click mo to:
http://news.abs-cbn.com/nation/regions/08/14/09/mother-grieves-over-septuplets-death

No comments:

Post a Comment