Sunday, July 10, 2011

HAFIVERDEY!

Hi miss, it’s ur day today! Off ako ngayun. Pina off ko ang Sunday last month pa kase sabi ko may magbe-berdey po kase nung araw na yun mam.

Headnurse: Sino? Girlfriend mo?

Ako:

*click mo tong gif.

Friday, July 8, 2011

Ganun na lang yun?


Problema sa marami satin ngayun, ang bilis bilis mapansin yung pagkukulang at maling nagagawa ng iba, pero yung mga magagandang nagawa ng isang tao, wala lang.

Masaya na siguro sya (sila). Hindi ko sila kilala, pero kilala nila kung sino sila.
Ayokong isipin pero, siguro tuwang tuwa sila ngayun sa nangyari sa akin (samin). Tagumpay sila e.
Ilang araw kong kinumbinse sarili ko na ayus lang yun, sa una lang masakit. Pero ang hirap pala talaga. Sa totoo lang, madali naman tanggapin na nawalan ka ng trabaho kung alam mong may mali ka o may na-agrabyadong tao ka e. Kaso, ang sakit lang na kinuha sayo ng walang kalaban laban yung trabaho (na napamahal na din naman sayo) ng hindi mo alam kung bakit.

Ganun na lang pala yun ngayun, pag hindi ka trip ng nasa kataas taasan. Talo mo pa yung bula na isang flick lang ay mawawala na. Yun ang hindi naturo sakin nung college pa ako, hindi ko tuloy to napaghandaan ng mainam.

Nakakalungkot lang isipin, kung sino pa yung pinipilit magtrabaho ng maayos, sila pa yung dumadaan sa ganto. Owmen!

Napaisip lang ako, sa panahon ngayun, hindi mo sigurado kung sino yung totoo mong kaibigan e. Yung iba, nasa tabi mo lang pag nakakakuha sayo ng benepisyo tas pag basura ka, iiwan ka na din nila. At kung sino pa yung hindi mo inaasahang tutulong sayo, sila pa lalapit sayo para ibangon at ipaglaban ka.

Thursday, June 23, 2011

Spam your face!

YUNG TIPONG MAY IISANG LATA KA NA LANG NG SPAM SA CABINET MO NA HINDI MO MUNA BINUBUKSAN KASE GUSTO MO NG MASARAP NA ALMUSAL SA SABADO.


PERO PAG GISING MO ISANG ARAW, LATA NA LANG YUNG NAABUTAN MO KASE TINAMAD DAW BUMILI NG ULAM SA LABAS YUNG KAPATID MO.



PARA SA KAPATID KONG NUKNUKAN.



Wednesday, June 22, 2011

INSEEDEWUS

Pagkatapos maligo at habang naghihintay matuyo ang buhok bago matulog.
Inipon ko yung mga pamatay na scenario sa insidious, na patok na patok kanina kanina lang.


Walang tatalo sa sabayang pagsigaw, sipaan at pag tili nio. hahaha!










Ssakit sa headache, lakas lang makapang gulat nung mga astral chenes.
#BLAKBASTERRR!

Monday, June 20, 2011

BASTUSAN LUNGSSS, THE KORINA SANCHEZ EDITION.

KORINA: Eto na po ang pangatlong henerasyon ng pacquiao. Ang ga-gwapo.


KORINA: Buti na lang nahaluaan ano, manny?


Manny: HAHAHAHAHAHAHA! (masusuntok ko to si koring e)


Ayun lang naman yun e, edi ikaw na talaga ang may magandang lahi simula't sapul! #FAIL


Saturday, June 18, 2011

In the name of the father.



‘Pag college ka na, mag aral kang mabuti anak ha. That’s not the time for pleasure, gawin mo yan pag nakatapos ka na.’ -papa, 5years ago


Marami lagi si papa na baon na ganyang linya, anytime bigla bigla na lang sya kumo- quotable quotes. haha. Magugulat na lang kami.


Wagas na wagas ang pagiging tatay ni papa samin magkakapatid, very patriarchal pag nasa bahay. Mapapalo ka pag matigas ulo mo, pero swabe lang kase sa huli naman, malalaman mo yung mabuti lang para sayo yung gusto nia mangyari.


Random Fact: Si papa yung solo naghanap ng generator nung pinapanganak ako ni mama sa hospital, dati daw kase uso brown out sa lugar namin


Para kay MR. TEODULO GAMBAN LEONIDAS, happy father’s day pa!



Saturday, June 11, 2011

PAIN SCALE: SEVEN

Naiipon na kase e, ilalabas ko lang.
Hindi ko alam kung ano gusto nia mangyari.
Ang hirap lang talaga maramdaman na nasa isang relasyon kami.
Parang wala lang. Ano ba naman sana yung mag teks ka lang minsan minsan.
Na malaman ko lang kung kumusta ka na, na na-mimiss mo din pala ako pag minsan.
Simpleng bagay lang naman, basta maramdaman ko lang na may gelpren pala ko.

Yun lang naman sana. Medyo ang sakit lang.