Problema sa marami satin ngayun, ang bilis bilis mapansin yung pagkukulang at maling nagagawa ng iba, pero yung mga magagandang nagawa ng isang tao, wala lang.
Masaya na siguro sya (sila). Hindi ko sila kilala, pero kilala nila kung sino sila.
Ayokong isipin pero, siguro tuwang tuwa sila ngayun sa nangyari sa akin (samin). Tagumpay sila e.
Ilang araw kong kinumbinse sarili ko na ayus lang yun, sa una lang masakit. Pero ang hirap pala talaga. Sa totoo lang, madali naman tanggapin na nawalan ka ng trabaho kung alam mong may mali ka o may na-agrabyadong tao ka e. Kaso, ang sakit lang na kinuha sayo ng walang kalaban laban yung trabaho (na napamahal na din naman sayo) ng hindi mo alam kung bakit.
Ganun na lang pala yun ngayun, pag hindi ka trip ng nasa kataas taasan. Talo mo pa yung bula na isang flick lang ay mawawala na. Yun ang hindi naturo sakin nung college pa ako, hindi ko tuloy to napaghandaan ng mainam.
Nakakalungkot lang isipin, kung sino pa yung pinipilit magtrabaho ng maayos, sila pa yung dumadaan sa ganto. Owmen!
Napaisip lang ako, sa panahon ngayun, hindi mo sigurado kung sino yung totoo mong kaibigan e. Yung iba, nasa tabi mo lang pag nakakakuha sayo ng benepisyo tas pag basura ka, iiwan ka na din nila. At kung sino pa yung hindi mo inaasahang tutulong sayo, sila pa lalapit sayo para ibangon at ipaglaban ka.
No comments:
Post a Comment