1.LOUDSPEAKER, eto yung mga kaklase natin na pilit lalakasan ang boses para madominate nila ang boses ng crowd para marinig ng teacher yung sagot nia na katulad din naman nung iba, nagkataon lang na mas malakas yung boses nia.
2.ECHO cho choooo chhoo, sila yung mga seatmate natin na nakikipagsabayan sa mga sagot ng buong klase pag may tinatanong yung teacher pagkatapos niang marining yung sagot ng iba, para kunyari alam rin nia yung tamang sagot at active sya sa recitation.
3.QUIZ TAKER, sila naman yung mga tatahi-tahimik lang sa klase: tamad mag recite, makipag sabayan sa mga kaklase nia at tamad din mag taas ng kamay. bumabawi na lang sila pag may quiz at lahat ng written exam, sa totoo lang matalino sila, ayaw lang nila ipahalata sa mga kaklase nia.
4.KING&QUEEN OF NODS, bihira lang sila makita sa isang klase. konte lang ang ganito. eto yung mga klasmeyts natin na mahilig tumango, na ikaw mismo yung mangangalay kapag nakita mo sya na tango ng tango kapag nagkaron sila ng eye contact nung teacher na nagdi discuss, kunyari attentive sya at naa-absorb nia lahat nung sinasabi ng teacher maski sa totoo lang nalilito rin sya at hindi nia maintindihan yung sinasabi ng teacher.
5.SILENT BRAINY, sa lahat ng mga category ng kaklase natin, sila ang hinahangaan ko ng sobra. bakit? sila kase yung mga klasmeyts natin na humble lang: hindi sila nakikipagsabayan sa mga kaklase niang malalakas lang ang loob sumagot pag may kasabay at tumitiklop naman pag wala silang kasabay, sila rin ay sumasagot lang pag tinawag sila ng teacher kse nag effort sila na itaas yung kamay nila dahil alam talaga nila yung sagot.
No comments:
Post a Comment