Kunyari assignment lang to nung college, reaction paper.
Tatlong pelikula na napanood ko nitong nakaraang linggo. Iisa-isahin natin.
A WISE KING NEVER SEEKS OUT WAR, BUT HE MUST ALWAYS BE READY FOR IT.
#THOR, maliban dun sa hindi ko maintindihan na pagsasalita nung gatekeeper, mahusay ang special effects lalo na dun sa may mga frost giants tsaka dun sa robot na parang si cyclops. Kung napanood mo yung thor series nung bata ka pa medyo madali mong masusundan yung takbo ng kwento ng pelikula na to. Medyo typical yung ending pero swabe lang. Sulit pa din ang bayad ticket.
HINDI KITA INIWAN, MAS PINILI KO LANG MAMATAY PARA MABUHAY KA.
#IN THE NAME OF LOVE, salamat sa libreng ticket galing kay mama. Trip ni mama manood ng sine nung isang araw. Niyaya nia kaming dalawang magkapatid, gusto sana namin KFP2, pero alam kong di yun magugustuhan ni mama kaya hindi na ko nagpilit. Medyo nakaka antok sa una pero ang cool ng twist nung patapos na. Syapul na syapul yung title ng pelikula na to. Tsaka pala, nakakalaglag brief yung pagpo-pole dance ni angel. galeng! hayoook! :))
YOUR STORY MAY NOT HAVE SUCH A HAPPY BEGINNING BUT THAT DOESN'T MAKE WHO YOU ARE, THE ONLY THING THAT MATTERS IS WHAT YOU CHOOSE TO BE NOW.
#KUNGFUPANDATWO, eto ang awesome talaga. Sobrang dami ng tawa dito eh. Nalunod ako sa mga punchlines. MegaLOL! Pero yung ibang mga bata na nakasabay ko manood, medyo hirap sila ma-pick up yung ibang jokes, dun lang sila natatawa sa obvious talaga. Tas may nakasabay pa kaming may ADHD na bata, mga 30mins pa lang, pumapalahaw na sa iyak. Kewl! haha.
Kung ikaw ay heart broken, napagalitan ng boss, stressed at kung ano pang problema sa buhay eto ang dapat mong panoorin at hintayin mong lumabas si baby po. Aysowwws, ang kyoooot!
PARA SA TATLONG PELIKULA NA TO: