Saturday, July 30, 2011

Ang Azkals at ang Pitong magigiting na sundalo (2011)

Magkasunod na medyo hindi maganda at malungkot balita para sa mga Pilipino.

Mga manlalarong pinilit sumipa para sa bayan at mga sundalong ginawa ng wagas yung tungkulin nila para maipagtanggol ang bayan natin.

Para sa inyo na walang ibang inisip kundi makapagbigay serbisyo at karangalan sa ating bansa, maraming salamat.

Hanggang sa muling laban!

Tuesday, July 26, 2011

SA MGA KAIBIGAN NATING COLLEGE STUDENTS NA PILIT UMAAPELA.


 Hindi nga naman talaga kayo water-proof sa tuwing bumabagyo.


Pero ito ha, isipin mo na lang na kunyari nagpa practice ka na, kase pag graduate mo at nagkatrabaho ka na, hindi naman sususpendihin ng kompanya/institusyon na pinapasukan mo yung pasok nyo dahil malakas ang ulan sa labas o bumabagyo. (eg: mga nagtatrabaho sa ospital)
Simple lang naman yan, kung ayaw mabasa ay magdala ng payong o kung mas trip mo pwede din ang raincoat. Sige, game na. Pasok ka na!

Monday, July 18, 2011

The scar had not pained Harry for nineteen years.

July 15, 2011/ Byernes, pinilit kong lumuwas para mapanood ito sa imax. Kasama ang isang kaibigan, sabi ko pag kase inantay pa namin ang weekend ay malabong makakuha pa kami ng ticket kase uso ang sold out pag sabado at linggo.
Swerte! Hindi masyadong traffic taposs pagdating sa MOA, marami pang bakanteng upuan. Bili ng ticket agad tas kain muna ng madami. 1:30pm pa naman ang simula.


Hanap ng magandang view, seat back&relax. Simula pa lang ng HP7.2 ay climax agad, walang ng intro pa. Dahil na din kase ito ay kadugsong lang ng HP7.1

Galit-galit muna. Napa- woooooow talaga ako e. Pakiramdam mo, kasali ka din sa labanan. Ang lakasss maka 3D ng imax e. Tsaka mapapaisip ka habang pinapanood mo to.
Parang kelan lang, musmos ka pa nung binabasa mo ang mga libro ni Rowling tapos ngayon ay nasa harap ka ng malakaing screen at tinatapos ang huling part ng libro.

Bato na lang ang hindi man lang mapaluha dito, yung nakausap ni Harry yung mga taong malapit sa puso nia nung makuha na nia yung Resurrection Stone. Tengene! Tulo luha ko e. Hindi naman hagulgol, napaluha lang.

Maalala mo din bigla yung mga taong hindi ka iniiwan sa kahit anong laban sa tunay na buhay.
Paksss! Korneeee, pero totoo.

Isa pa to.

Tsaka ito pa pala.

Medyo nakakalungkot, kase tapos na. Wala ng kasunod, mga ala-ala na lang ng libro.
Maraming moral na makukuha sa kwento e, isa lang yung tumatak talaga sakin:
KUNG ANG LAHAT LANG SANA SATIN NGAYON AY HINDI TUTULAD KAY VOLDEMORT NA NAPASOBRA YATA SA TAKAW AT MAPANG ABUSO SA KAPANGYARIHAN, MAGIGING MASAYA ANG LAHAT.

Pagkatapos ng halos dalawa't kalahating oras sa loob ng sinehan.
Ang husay ng pagkakagawa, legendary ending nga naman. EPIC!


Pitong libro, walong pelikula. Sulit ang pagod na iniluwas papuntang maynila. Heaven!

HP7.2, galing! Perfect 10 score ko sayo. Ang linis ng pagkakagawa ng ending.

Sunday, July 10, 2011

HAFIVERDEY!

Hi miss, it’s ur day today! Off ako ngayun. Pina off ko ang Sunday last month pa kase sabi ko may magbe-berdey po kase nung araw na yun mam.

Headnurse: Sino? Girlfriend mo?

Ako:

*click mo tong gif.

Friday, July 8, 2011

Ganun na lang yun?


Problema sa marami satin ngayun, ang bilis bilis mapansin yung pagkukulang at maling nagagawa ng iba, pero yung mga magagandang nagawa ng isang tao, wala lang.

Masaya na siguro sya (sila). Hindi ko sila kilala, pero kilala nila kung sino sila.
Ayokong isipin pero, siguro tuwang tuwa sila ngayun sa nangyari sa akin (samin). Tagumpay sila e.
Ilang araw kong kinumbinse sarili ko na ayus lang yun, sa una lang masakit. Pero ang hirap pala talaga. Sa totoo lang, madali naman tanggapin na nawalan ka ng trabaho kung alam mong may mali ka o may na-agrabyadong tao ka e. Kaso, ang sakit lang na kinuha sayo ng walang kalaban laban yung trabaho (na napamahal na din naman sayo) ng hindi mo alam kung bakit.

Ganun na lang pala yun ngayun, pag hindi ka trip ng nasa kataas taasan. Talo mo pa yung bula na isang flick lang ay mawawala na. Yun ang hindi naturo sakin nung college pa ako, hindi ko tuloy to napaghandaan ng mainam.

Nakakalungkot lang isipin, kung sino pa yung pinipilit magtrabaho ng maayos, sila pa yung dumadaan sa ganto. Owmen!

Napaisip lang ako, sa panahon ngayun, hindi mo sigurado kung sino yung totoo mong kaibigan e. Yung iba, nasa tabi mo lang pag nakakakuha sayo ng benepisyo tas pag basura ka, iiwan ka na din nila. At kung sino pa yung hindi mo inaasahang tutulong sayo, sila pa lalapit sayo para ibangon at ipaglaban ka.